Ano ang Bugtong Cryptic?
Ang Bugtong Cryptic ay isang pang-araw-araw na word puzzle game na sumusubok sa iyong isipan gamit ang wika at kulturang Pilipino. Nagmula sa mayamang tradisyon ng bugtong, binibigyan ng larong ito ng makabagong anyo ang klasikong palaisipan sa pamamagitan ng paglalakip ng mechanics ng cryptic crosswords.
Araw-araw, may bagong clue ang mga manlalaro at kailangang matukoy ang nakatagong salita. Walang time limit sa pagbuo ng sagot, at kung may araw kang na-miss, maaari mo itong balikan at laruin sa pamamagitan ng aming Archives.